MULING binuksan ng Taguig City ang vaccination hubs nito para sa mga makatatanggap ng kanilang ikalawang dose ng anti-COVID-19 vaccine na Sinovac.
Sa isang abiso, sinabi ng Taguig na ang mga naka-schedule para sa kanilang ikalawang dose ay maaaring tumungo sa mga sumusunod na site hanggang 6:00pm ngayong araw:
Bonifacio High Street – Sinovac
Venice Grand Canal Mall – Sinovac
Western Bicutan National High School – Sinovac
EM’S Signal Village Elementary School – Sinovac
RP Cruz Elementary School – Sinovac
Sea Breeze Resort – Sinovac
Vista Mall – Sinovac and AstraZeneca
SM Aura – Sinovac
Gayunman, sinabi ng lokal na pamahalaan na ang pagbibigay ng first dose ng kahit anong brand ay pansamantalang suspendido muna.
Matatandaan na inanunsyo ng Taguig ang paggamit ng Sinovac para sa una at ikalawang vaccination dose hangga’t wala itong certificate of analysis (COA).