Taguig, sinumulan ang pamamahagi ng food packs bago ang ECQ bukas

Taguig, sinumulan ang pamamahagi ng food packs bago ang ECQ bukas

SINIMULAN na ng Taguig City local government ang pamamahagi ng stay-at-home food packs sa kanilang mga residente.

Ito ay para matulungan ang mga ito sa panahon ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila na magsisimula bukas, Agosto 6.

Ang kada food packs ay naglalaman ng bigas, mga de lata, kape, energy drinks at instant noodles na ng pasok sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.

Sa isang pahayag, tiniyak ni Mayor Lino Cayetano sa mga Taguigeños na maipapamahagi sa kanila ang tulong mula sa local at national government.

Samantala, hinimok din ni Cayetano ang mga hindi pa bakunadong residente na mag-avail ng free vaccination sa lungsod sa panahon ng ECQ.

 

SMNI NEWS