GAGAMITIN ng pamahalaan ang mahigit 13 bilyong piso para sa pamamahagi ng ayuda sa mga low income resident sa Metro Manila na maaapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., na ang pondo ay manggagaling sa savings ng mga government agency na naayon sa Administrative Order 41 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Mayo.
Kung meron naman kinakailangan na iba pang financial assistance dahil sa ECQ, kukunin naman aniya ito sa mga windfall na nakolekta ng Bureau of Treasury.
Sinabi ni Roque na nasa 10.7 milyong residente sa Metro Manila ang mabibigyan ng ayuda n gagamitin ng pamahalaan.
DOTR, nag-isyu ng transpo guidelines para sa kalagitnaan ng ECQ sa Aug 6-20 sa NCR
Mananatili pa rin ang transport supply at capacity sa NCR sa kabila ng muling apgpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayon sa Department of Transportation (DOTR).
Ayon sa DOTR, ang pinaka huling guidelines na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, pinayagan nito ang patuloy na operasyon ng public transportation ngunit tanging ang mga Authrized Persons Outside Resicence (APORS) lamang ang maaaring makasakay.
Pinaalalahanan din ni Tugade ang mga APOR na ipakita ang mga identification Vcards na inisyu ng IATF o iba pang dokumento bilang pruweba na maaaring bumyahe ang mga ito sa mga transport marshals.
Sa kalagitnaan ng dalawang linggong ECQ, nasa 4 na milyong bakuna ang target na maipamahagi ng NCR ayon kay DILG Sec. Eduardo Año.