SUMUKO na sa mga awtoridad ang anim na miyembro ng Segundo Scam group na gumamit sa pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte para makapangloko at makalikom ng pera.
Lumutang ang anim na kasapi ng Segundo Scam group para isiwalat ang malawakang panloloko ng kanilang mga kasamahan.
Gamit ng grupo ang Viber, Messenger at SMS para makapag biktima sa mga kilalang pangalan gaya na lamang ni Mayor Sara Duterte, maging ang community pantry ay ginamit din nila para makalikom ng pera.
Ayon kay PLTCOL. Joseph Orsos hepe ng regional legal office ng NCRPO na nag papanggap ang grupo para makapag solicit ng campaign funds ni Mayor Sarah Duterte.
Sa pamamagitan ng paggamit ng account ni Atty. Tristan Dwight Domingo assistant City Administrator ng Davao.
Sumuko sila sa pamamagitan ni City Director ng Davao police na si Colonel Kirby John Kraft.
Malawak ang operasyon ng grupo mula Davao, Dumaguete, Ilo-ilo, Batangas, Laguna, Quezon, Negros Oriental, Cabanatuan City, Tarlac, Pangasinan, Cagayan, Leyte, Bagiuo at iba pang mga rehiyon.
Kumpleto din ang grupo lalu na sa researcher.
Si Mayor Inday ay isa lang sa mahigit 200 na naloko ng Segundo Scam group.
Samantala, natukoy na rin sa mga pulis ang kinaroroonan ng kanilang opisina kung saan ginagawa ang kanilang operasyon, patuloy parin ang kanilang paghahanap sa ibang mga suspek.
Ayon pa kay PLTCOL Orsos na sa loob lamang ng dalawang buwan ay kumikita ang kanilang leader ng dalawang milyon.
Habang ang mga sumukong researcher ay 50k kapag naloko nila ito.
Nagawa nila itong pasukin dahil sa hirap na dala ng pandemya kaya humihingi sila ng kapatawaran mula sa Mayora.
Handa naman ang isa pang miyembro na si Kristian Acero na makipagtulungan sa mga awtoridad para matukoy ang iba pang mga kasama.
Sa pamamagitan ng phone patch muling nilinaw ni PMaj. General Vicente Danao Jr. na walang ginagawang solicit si Mayor Sara Duterte para sa kanyang campaign funds.
Kaya nanawagan ang mga kapulisan na kung sino pa ang nabiktima ng grupong ito ay agad na magbigay alam sa kapulisan upang lalung lumakas pa ang kasong estapha laban sa kanila.