KASING-halaga ng pagtitiyak sa suplay ng pagkain ang pangangailangan na mapangasiwaan nang maayos ang water resources sa bansa.
Ganito inilarawan ni Committee on Government Reorganization Chairman at Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores ang kahalagahan ng pagtatayo ng Department of Water Resources sa panayam ng SMNI News.
Matatandaang sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nitong Hulyo 24 ay binanggit ng Pangulo ang paglikha ng Water Management Office para tugunan ang nararanasang krisis sa tubig.
Hinggil naman sa mistulang conflict sa pagtatayo ng bagong departamento na ito at sa ginagawang rightsizing ng pamahalaan, ipinaliwanag ni Flores na walang dapat ikabahala rito.
Ito’y dahil konsepto ng rightsizing ang paglalagay ng sapat na bilang ng tao na maaaring gampanan ang isang tungkulin.
Ibig-sabihin, sa pagtatayo ng Department of Water Resources ay pag-iisahin ang lahat ng mga kaugnay na functions ng iba’t ibang ahensiya sa isang departamento.