NAMAHAGI ng tulong ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Paeng sa San Pedro, Laguna.
Ito ang kauna-unahan sa serye ng relief assistance operations ng Disaster Operations Center ng Office of the Vice President (OVP) sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.
Nasa 100 kaban ng bigas ang itinurnover ng OVP sa San Pedro LGU.
Ayon sa City Social Welfare and Development Office, prayoridad na mabigyan ng donasyon ang mga residente ng 3 barangay na pinaka-apektado ng bagyo partikular ang Landayan, San Roque at Cuyab.
Susunod na bibisitahin ng OVP ang mga apektadong residente ng Bacoor, Cavite; Abra, Cebu, Leyte, Maguindanao, Cotabato at Himamaylan City sa Negros.