PINATUTUTUKAN ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalakas sa lokal na produksiyon ng palay ngayong 2024.
Target ng DA na maabot ang 20.44 milyong metriko toneladang produksiyon ng palay sa tulong ng mga ipinatutupad na mekanismo ng kagawaran.
Bagamat may mga hadlang upang makamit ito, sinisiguro ng DA na pinagsisikapan nilang matugunan ang lahat ng hamon.
Maliban pa dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa iba pang pribadong sektor para sa mas epektibong pagkamit ng naturang layunin.