NANGUNGUNA sa poll bilang susunod na prime minister ng Japan ang COVID-19 in-charge at Administrative Reform Minister na si Taro Kono.
Isa ang Administrative Reform Minister na si Taro Kono sa nangungunang pinagpipilian ng publiko bilang susunod na prime minister ng Japan kasunod ng pag-aanunsyo ni Prime Minister Yoshihide Suga ng kanyang nalalapit na pagreretiro.
Si Kono ay isang mambabatas na nakakuha ng 31.9 percent na suporta mula sa respondents sa nationwide telephone survey na isinagawa sa 1,071 eligible voters.
Pumangalawa naman sa survey si former Defense Minister Shigeru Ishiba na mayroong 26.6 percent na sinundan naman ni former Foreign Minister Fumio Kishida na mayroong 18.8 percent
Sila ang mga potensyal na makikipagtunggali sa ruling Liberal Democratic Party (LDP) Presidential election sa Setyembre 29.
Samantala, inanunsyo na ni Kishida at ni former Internal Affairs Minister Sanae Takaichi na lalaban ito sa eleksyon kahit na ang iba ay hindi pa malinaw sa kanilang desisyon.
“I’m not thinking of touching the sales tax for the time being. We then must consider Japan’s finances from the standpoint of how to make use of the fruit of economic growth,”ayon kay Kishida.
Noong Biyernes ay nagsabi na si Suga na hindi na ito muling tatakbo sa LDP leadership race.