Palalawigin pa ng Japan ang operasyon nito sa mga state-run vaccination centers sa Tokyo at Osaka.
Inihayag ng Defense Ministry kahapon na ipagpapatuloy nila ang operasyon sa mga state-run vaccination sites sa Tokyo at Osaka hanggang sa katapusan ng Nobyembre, dahil ang bansa ay muling nakakaranas ng pagtaas ng mga kaso ng impeksyon.
Ayon sa Ministry, bibigyan ng prayoridad ang mga may edad 18 hanggang 39 na magpareserba ng kanilang pagpapabakuna ngayong Setyembre sa mga sites, na tumutugon sa dumaraming impeksyon sa mga mas nakakabata.
Nakatakdang isara sa Setyembre 25 ang mga vaccination centers, na pinamamahalaan ng mga self-defense forces, kung saan ang gamit nilang bakuna ay ang dinevelope ng U.S Pharmaceutical Co. Moderna Inc.
Ang mga residente sa Japan ay maaaring makatanggap ng bakuna sa mga site kung mayroon silang vaccine voucher na inisyu ng munisipalidad, at tumatanggap ang Ministry ng mga reserbasyon sa website nito pati na rin sa pamamagitan ng line messaging app.
Itatakda ang mga priority slots para sa kabuuang 30,000 katao na mabakunahan sa lugar kung saan isasagawa ang operasyon sa mga state-run vaccination sites sa Tokyo at Osaka, dahilan sa pagtaas muli ng kaso sa COVID-19 sa kanilang lugar.
Samantala, ang mga state-run vaccination centers ay kasalukuyang nakapagpapabakuna ng 10,000 katao bawat-araw sa Tokyo at 5,000 naman sa Osaka.