Taxi operators, umaasang aaprubahan ang dagdag na P20 flag-down rate nito

Taxi operators, umaasang aaprubahan ang dagdag na P20 flag-down rate nito

UMAASA ang grupo ng mga taxi operators na aaprubahan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan na dagdagan ng P20 ang flag-down rate.

Ayon kay Philippine National Taxi Operators Association President Atty. Jesus Manuel Suntay, hinihintay pa rin nila ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kung maaaprubahan, tataas sa P60 ang flag-down rate ng mga taxi mula sa dating P40.

Ani Suntay, kailangan talagang taasan ng mga taxi operator ang kanilang flag-down rate dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas na presyo ng produkto ng petrolyo.

Dagdag din ni Suntay, 7 taon na rin ang nakalipas simula nang magtaas ang mga taxi operator ng dagdag-singil sa pasahe.

Follow SMNI NEWS in Twitter