Taylor Swift, kauna-unahang babaeng singer na nagkaroon ng maraming No. 1 album sa Billboard

Taylor Swift, kauna-unahang babaeng singer na nagkaroon ng maraming No. 1 album sa Billboard

ISANG milestone muli ang naukit sa kasaysayan ng American singer-songwriter na si Taylor Swift.

Batay sa Billboard Charts, si Taylor Swift lang ang natatanging babaeng singer na nagkaroon ng mahigit isang album na naging number 1 kasunod sa release ng “Speak Now” (Taylor’s Version).

Sa katunayan, 12 album ang naging number 1 ni Taylor sa Billboard Charts at mas mahigit pa ito sa naging record ni Barbra Streisand.

Maliban pa dito, si Taylor lang din ang kauna-unahang buhay na artista na nagkaroon ng apat na album at sabay na nasa top 10 ng Billboard.

Ito’y dahil nananatiling nasa top rank pa rin hanggang ngayon kasabay ng “Speak Now” (Taylor’s Version) ang mga album nito na “Midnights”, “Lover” at “Folklore”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter