ITINANGGI mismo ng American singer na si SZA ang mga kumakalat na tsismis na mayroon siang samaan ng loob ng hitmaker na si Taylor Swift dahil sa rankings ng mga ito sa Billboards charts.
Sa series of tweets, ibinahagi ni SZA ang pagkadismaya nito sa mga fans na nag-aaway-away dahil sa kanilang mga idolo.
Ayon kay SZA, wala siyang sama ng loob kahit na kanino lalo na kay Taylor dahil sa maski siya ay nagustuhan nito ang kanyang album at estilo ng pagsusulat.
Ang sophomore album ni SZA na “SOS” ay nauna na bilang top album sa Billboard simula nang ilabas ito at nalampasan na nito sa ranking ang “Midnights” ni Taylor Swift.
Si SZA ay isang Grammy Award para sa Best Pop Duo/Group Performance para sa “Kiss Me More” kasama si Doja Cat.