NAGWAGI ang pambato ng Pilipinas na si Filipino Wrestler Alvin Lobreguito sa men’s freestyle 57kg category sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Tinalo ni Lobreguito ang mga kinatawan ng Vietnam at Thailand.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo si Lobreguito ng parangal mula sa SEA Games dahil noong taong 2019 ay nakuha nito ang silver sa kaparehong category.
Ito na ang ikatlong panalo ng Pilipinas sa wrestling category kasunod nina Jason Balabal sa men’s Greco Roman 87kg at Maria Christina Vergara sa women’s freestyle 65kg.