Technical inspection, isinasagawa sa Laos-China railway

Technical inspection, isinasagawa sa Laos-China railway

NAGSAGAWA ng technical inspection ang mga awtoridad sa Laos-China railway

Patuloy ang ginagawang technical inspection ng Laos-China Railway Company Ltd. sa railway project nito.

Ayon sa kumpanya ito’y bilang paghahanda sa papalapit na pagbubukas ng nasabing proyekto.

Aabot sa labing walong araw ang gagawing inspeksyon na pangungunahan naman ng nasabing kumpanya.

Dagdag ng kompanya, una nilang iinspeksyunin ang electrical system, towing system para sa trucks ng mga pasahero, signal operators, communication at vibration system at maging ang electromagnetic environment.

Tatakbo naman sa bilis na 160 km per hour ang nasabing tren sa railway.

Samantala, ang Laos railway ay tinatayang may habang 426 km ay ginawa na naaayon sa Chinese administrative at technical standards.

SMNI NEWS