Thailand, bukas na ang International borders sa 46 na bansa

Thailand, bukas na ang International borders sa 46 na bansa

BUKSA na sa 46 na bansa ang International borders ng Thailand para sa quarantine free travel.

Mula sa 10 bansa nasa 46 na bansa na ngayon ang papayagan ng Thailand na makapasok sa pamamagitan ng quarantine free travel.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs kabilang sa apatnaput anim na bansa ang Britain, Estados Unidos, China, Singapore, Germany, at Australia.

Dagdag pa ng ahensya maaaring mag skip ng mandatory quarantine ang isang turista sa kondisyong nakasakay ito sa eroplano na fully vaccinated at may patunay na dokumento ng negative test result ng COVID-19.

Ayon naman sa Royal gazette, aasahan ang pagbubukas ng Bangkok, Hua Hin, Pattaya ang International borders at iba pang destinasyon sa bansa sa katapusan ng buwan.

Samantala, magpapatupad parin ng istriktong health protocols ang pamahalaan ng Thailand upang ma kontrol umano ang hawaan ng Coronavirus sa bansa.

SMNI NEWS