Teknolohiya sa pagpoproseso ng bigas, isa sa napag-usapan ni PBBM at Cambodian business leaders –Joey Concepcion

Teknolohiya sa pagpoproseso ng bigas, isa sa napag-usapan ni PBBM at Cambodian business leaders –Joey Concepcion

TEKNOLOHIYA sa pagpoproseso ng bigas.

Ito ang isa sa napag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at business leaders ng Cambodia nang bumisita ito sa kanilang bansa para sa 40th at 41st ASEAN Summit ayon kay Joey Concepcion ng lead for jobs, Private Sector Advisory Council sa panayam ng SMNI News.

Ang Cambodia ay isa sa malaking exporter ng bigas sa buong mundo.

Target ng Pilipinas ayon kay Concepcion na maipabatid ng Cambodia kung paano maging kasing produktibo nila ang mga magsasaka dito sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter