Temporary Suspension ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence, ipinag-utos ng QCPD

Temporary Suspension ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence, ipinag-utos ng QCPD

IPINAG-utos ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang temporaryong suspensiyon ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa buong Quezon City.

Ang nasabing kautusan ay bilang paghahanda sa darating na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) 2024.

Ang nabanggit na temporary suspension ay nagsimula kahapon 12:01 madaling araw ng Oktubre 13 at magtatapos hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 18, 2024.

Ang naturang hakbang ay kaugnay sa direktiba na inisyu ng hepe ng Philippine National Police at parte ng komprehensibong security strategy upang masiguro ang matiwasay na pagho-host ng PMCDRR na magsisimula ngayong Oktubre 14 hanggang 18, 2024, na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City.

Nilinaw rin sa naturang direktiba na tanging ang mga miyembro lang ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies ang pinapayagang magdala ng armas sa kasagsagan ng nabanggit na aktibidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble