Ten at Winwin ng WayV, hindi makakasama sa I-Pop U 2022

Ten at Winwin ng WayV, hindi makakasama sa I-Pop U 2022

HINDI makakasama ang WayV members na sina Ten at Winwin sa I-Pop U 2022 Manila concert bukas, October 21 dahil sa health concerns.

Hindi na idinetalye ng SM Entertainment, ang talent agency ng WayV kung anong partikular na health concerns ang nararanasan ng dalawang miyembro.

Sa kabila nito ay inanunsyo ng SM Entertainment na ang natitirang members na sina Kun, Hendery, Yangyang at Xiaojun ay tutuloy pa rin na mag-perform para sa Manila concert.

Ang WayV ay ang Chinese Sub Unit ng South Korean boy group na NCT kung saan may dalawa rin itong Korean Sub Unit na NCT 127 at NCT Dream na pawang nakabisita na sa Pilipinas.

Kasama ng WayV sa I-Pop U 2022 Manila concert bukas ang NCT Dream maging ang iba pang K-Pop boy groups na Golden Child at Xdinary Heroes.

 

Follow SMNI News on Twitter