WALA nang lakas at mahina na.
Ganito isinalarawan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) North Luzon Commander LtGen. Ernesto Torres Jr. ang estado ngayon ng terorismo at insurhensiya sa Hilagang Luzon.
Sa panayam ng SMNI News kay Torres, sinabi nitong wala nang impluwensiya ng communist terrorist group ang Northern Luzon kung kaya’t malapit na itong mawala sa lugar.
Kasunod din ito ng walang humpay na military operations sa Hilagang Luzon.
Pero bukod aniya sa operasyon ng militar, malaking tulong umano ang programa ng pamahalaan gaya ng NTF-ELCAC sa tuluy-tuloy na pagsuko ng mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa poder ng pamahalaan.