TESDA, pinag-iingat ang publiko sa mga nagbebenta ng national certificates

TESDA, pinag-iingat ang publiko sa mga nagbebenta ng national certificates

NAGBABALA ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko laban sa mga nagbebenta ng national certificates (NCs).

Base sa inilathala ng Presidential Communication Office (PCO), nilinaw ng TESDA na hindi “for sale” ang national certificates na iginagawad lamang sa mga kuwalipikadong indibidwal.

Ang babala ay matapos ang pagkaaresto ng isang suspek sa Cotabato City kamakailan dahil sa pagbebenta ng pekeng NCs sa social media platforms at messaging applications.

Inilahad naman ng PCO na regular na susuriin ng TESDA ang mga accredited training at assessment center nito para matiyak na sinusunod ng mga ito ang mga pamantayan sa pagpaparehistro ng programa, at pagsasagawa ng assessment at certification.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter