NILAGDAAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at SM Foundation ang isang kasunduan upang mapalawak ang access ng mga Pilipino sa mga oportunidad sa trabaho.
Sa pamamagitan ng kasunduan, mas mapapadali na ang job matching dahil sa gagawing job fairs ng SM at iba pang employment initiatives.
Ibig sabihin, magkakaroon ng pagkakataon ang TESDA learners at graduates na makapasok sa ibat ibang career opportunities sa loob ng SM Group of Companies kabilang ang mga sektor tulad ng konstruksiyon, food and beverage, hospitality, logistics at marami pang iba.
Ang nasabing partnership naman ay naaayon sa adbokasiyang Job Opportunities Building Skills o J.O.B.S ng SM.