Teves: ‘Di na tamang batas at panuntunan ang sinusunod ng Kamara ngayon

Teves: ‘Di na tamang batas at panuntunan ang sinusunod ng Kamara ngayon

HINDI na tamang batas at panuntunan ang sinusunod ngayon ng Kamara para kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, Jr.

Ito ang sinabi ng mambabatas sa panayam ng SMNI News hinggil sa usad ng imbestigasyon sa Degamo murder partikular na ang ipinataw sa kaniya na 60-day suspensiyon.

March 22 nang naging epektibo ang suspensiyon at nagtapos ito noong May 22.

Sinabi rin ng mambabatas na tuwing may ibang issue sa Pilipinas, muling pinapa-hype ang Degamo murder.

Ngayon, kinukwestiyon na naman ni Teves ang pagpupumilit ng House Panel on Ethics na pisikal itong dumalo sa May 29 hearing hinggil sa umano’y “absenteeism” niya sa Kamara.

Tinatanggihan na ng Kamara ang request nitong dumalo sa mga hearing at session online kahit pa tapos na ang kaniyang 60-day suspension.

Sinasabing kailangan pa aniya ng approval mula sa secretary general.

Ani Teves, dapat simula May 23 ay ituring na siyang regular member ng Kamara at wala nang penalty subalit ikinonsidera pa tuloy siyang absent.

Ibinahagi naman nito na nakasama siya sa isang committee hearing via video teleconferencing hinggil sa nuclear energy noong May 23.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter