Teves sa mga nag-raid sa bahay niya: Lubus-lubusin niyo ang pagtatanim

Teves sa mga nag-raid sa bahay niya: Lubus-lubusin niyo ang pagtatanim

HINAMON ngayon ni suspended Cong. Arnie Teves ang raiding team na nanghalughug sa kaniyang bahay kahapon, April 21, 2023.

Sa isang video post, saad ni Teves sa mga nag-raid sa kaniyang property na lubus-lubusin ang pagtatanim.

Una rito, saad ng suspendidong kongresista na duda siyang tadtad na naman ng planted evidence sa kaniyang property ngayon na may bago na namang raid.

“‘Yung mga nagtanim sa bahay, lubus-lubusin niyo ang pagtatanim,” ni Teves.

Pabiro pa nitong payo sa raiding team na damihan ang pagtatanim at ‘ituro’ sa mga farmer ang kanilang pagtatanim.

Si Teves ang nadidiin bilang mastermind sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Bukod sa bahay nito, na-raid na rin ng mga awtoridad ang bahay ng kaniyang kapatid na si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter