GINAWA lamang katatawanan ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang designation sa kaniyang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC).
Sa isang zoom press conference, saad ni Teves na idaragdag niya sa kaniyang CV (Curriculum Vitae) ang bansag sa kaniya ng pamahalaan.
“Siguro padagdag ko sa ID ko na di ba? Or padagdag ko sa ano ko sa CV,” ani Teves.
Dahil dito, wala nang access si Teves sa lahat ng kaniyang bank accounts dahil frineeze na ito ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Pabiro naman itong sinagot ni Teves na marahil kailangang bumili ng pamahalaan ng malaking freezer dahil sa dami ng kaniyang assets.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng kampo ni Teves na ma-delist sila sa terrorist list ng ATC.
Nanindigan naman ang pamahalaan na dumaan sa tamang proseso ang designation kay Teves at sapat ang ebidensiya ng estado na may kaugnayan ang mambabatas at 12 iba pang designated terrorists sa private armed group.