ISANG malawakang wildfire ang mabilis na kumakalat ngayon sa Texas kung saan isang indibidwal ang naitalang nasawi mula rito.
Ito na ang ikalawang pinakamalaking wildfire na naitala sa kasaysayan ng Texas kung saan 850 libong ektarya ng lupa ang nasunog sa hilagang bahagi ng siyudad ng Amarillo.
Kaugnay rito ay nag-isyu na ng disaster declaration sa 60 probinsiya si Texas Governor Greg Abbott.
Lumakas naman ang sunog dahil sa tuyong lupa, mataas na temperatura at malalakas na hangin sa lugar.
Daan-daang bombero at first responders na nga ang naka-deploy ngayon sa sunog.
Nagbabala rin ang national weather service sa mga residente malapit sa Amarillo na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan kasama ang mga alagang hayop dahil sa mababang kalidad ng hangin na malalanghap sa siyudad.
Tinatayang nasa higit 4,500 kabahayan naman ang walang kuryente ngayon sa Texas.