NAGKASUNDO ang Thailand at Vietnam na gawing standard ang pagtataas ng presyo ng exported na bigas na inilalabas nito sa global market.
Ito ay kauna-unahang kasunduan ng bansa kasama ang Vietnam sa ganitong sektor.
Ayon kay Agriculture and Cooperatives Chalermchai Sri-on, magkakaroon ng special team ang dalawang bansa upang agarang maipatupad ang ideyang ito.
Ang kasunduan ay bunga ng pag-uusap ng dalawang bansa ukol sa rice export prices.
Sa susunod na mga pagpupulong, ang detalye ng Thai-Vietnamese Rice Agreement ay pag-uusapan upang malaman ng dalawang panig kung ano ang gagawin sa pagtataas ng presyo ng exported na bigas.
Matatandaan na ang Thailand ang ikatlong rice exporter sa mundo na sumunod sa Vietnam na nasa ikalawang pwesto.