BINUKSAN ng Thailand sa mga turista ang 3 beach destination nito.
Nagdagdag ang Thailand ng tatlong sikat na beach destination sa isang visa program na nagpapahintulot sa mga dayuhang bisita na laktawan ang isang mandatoryong quarantine, na inaasahang magbibigay ng lifeline sa industriya ng turismo na naapektuhan ng Covid.
Simula Martes, ang mga nabakunahang dayuhang turista ay maaaring pumasok sa Krabi, Phang Nga, at Koh Samui bilang karagdagan sa Phuket sa ilalim ng tinatawag na sandbox program na hindi mangangailangan sa kanila na dumaan sa quarantine, basta’t manatili sila ng hindi bababa sa isang linggo sa mga destinasyong ito.
Ang pinaluwag na visa rule na ito ay isa pang pagtatangka ng Thailand na i-restart ang industriya ng paglalakbay nito dahil ang paglitaw ng Omicron variant ay nag-trigger ng bagong wave ng Covid infections.
Matatandaan na sinuspinde ng Thailand ang test and go scheme noong nakaraang linggo upang sugpuin ang pagsiklab sa mga bagong kaso, bagama’t nakatulong ito na makaakit ng humigit-kumulang tatlundaan at limampung libong manlalakbay sa loob lamang ng dalawang buwan.
Samantala, ang resort Island ng Phuket, na siyang unang lalawigan ng Thai na nag-waive ng mandatoryong quarantine para sa mga nabakunahang manlalakbay mula Hulyo 1 ay kasalukuyang nakakaranas sa pinakamalaking pag-akyat nito sa mga pang-araw-araw na kaso mula nang magsimula ang pandemya.