Thailand, gumastos ng higit B400-B sa laban sa COVID-19 sa nakalipas na 3 taon

Thailand, gumastos ng higit B400-B sa laban sa COVID-19 sa nakalipas na 3 taon

HIGIT apat na bilyong baht ang nagastos ng Thailand sa laban sa pandemya na COVID-19 sa nakalipas na 3 taon.

Ang pondo na ito ay karaniwang galing mula sa central fund at panghihiram ng gobyerno sa pampublikong sektor.

Sa halagang ito, 59% ang ginagastos sa medical services kabilang na ang screening, treatment at pagbabakuna.

Ang pagbili ng bakuna at vaccine management ay nagkakahalaga ng 77 bilyong baht at 57 bilyong baht naman ang nagastos para sa allowances, kompensasyon at risk payment.

Ang panganib naman ng bankruptcy sa low-income households sa bansa ay dulot ng medical spending noong pandemya.

Follow SMNI NEWS in Twitter