Thailand, ibabalik ang 130 toneladang basura sa Australia

Thailand, ibabalik ang 130 toneladang basura sa Australia

DETERMINADO ang Thai Department of Pollution Control na ipabalik ang tone-toneladang iligal na basura sa Australia upang magkaroon ng ligal na aksyon laban sa kumpanyang nagpadala nito.

Ang iligal na shipment na ito ay nadiskubre matapos maiulat ng mga awtoridad ng Thailand na ang Thailand-based Inter Pacific Paper Company ay magpapadala ng 130 tonelada ng iligal na basura patungong Thailand mula sa Australia.

Agaran naman iniulat ng Department of Customs ang 5 kahina-hinalang shipping container na mukhang naglalaman ng waste materials.

Nadiskubre sa loob nito ang 130 toneladang household wastes gaya ng food packaging, face masks, sprays at mga sachet ng medisina na nahalo sa waste paper.

Sa ilalim ng batas ng Thailand, iligal ang pag-iimport ng kontaminadong mga item na higit sa isang porsyento ng totoong shipment nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter