Thailand, kukuha ng empleyadong Pilipino para sa worker shortage

Thailand, kukuha ng empleyadong Pilipino para sa worker shortage

KUKUHA ng mga Pilipinong empleyado ang Thailand para sa worker shortage na nagaganap sa bansa nito.

Sa isang statement na inilabas ng Department of Tourism (DOT), inihayag na sa pagpupulong ni Sec. Christina Frasco at Thai Minister of Tourism and Sports Phiphat Ratchakitprakarn noong Agosto 18 ay nagkaroon ito ng kasunduan sa pag-aalok ng mga trabaho sa mga Pilipino.

Dahil sa pagluluwag ng mga restriksyon, ang Thai Tourism Industry ay nahaharap sa shortage ng kanilang workforce sa 60 porsyento.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na si Sec. Frasco sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang magsagawa ng job fair para sa mga kinakailangang manggagawa.

Matatandaan na mayroong Tourism Cooperation Agreement ang Thailand at Pilipinas  mula taong 2017 hanggang 2022 at kabilang na rito ang human capital development at employment generation.

Follow SMNI NEWS in Twitter