NAKAPAGTALA ng 10.9 million arrivals sa pagitan ng Enero hanggang Disyembre 20 ang Thailand ngayong taon.
Ito ang inihayag ng Tourism of Thailand governor na si Yuthasan Supasor sa isang online briefing ngayong araw.
Ang top markets ng bansa ay ang Malaysia, India, at Laos.
Ang recovery na ito sa sektor ng turismo na aabot sa 12 percent ng kabuuang GDP bago ang pandemya ay mahalaga sa Thailand.
Samantala, inaasahan namang 22 milyon ang turista na darating sa bansa sa susunod na taon.
Inihayag naman ni Yuthasak na hindi lamang nagpopokus ang bansa sa dami ng turista kundi doon din sa high spending tourists.