Mga nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Paeng sa Batangas City binigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaan

Mga nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Paeng sa Batangas City binigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaan

NASA 278 residente mula sa iba’t ibang barangay ng Batangas City na nawalan ng bahay dahil sa Bagyong Paeng ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang lungsod.

Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ng City Social Welfare and Dev’t Office kung saan P10K cash ang ibinigay para sa mga totally damaged na bahay at P5K naman sa mga partially damaged.

Kasabay nito ang pamamahagi ng financial assistance mula sa Social Protection Dev’t Sustainable Livelihood Program kung saan bawat benepisyaryo na may maliit na negosyo ay tumanggap ng P5K cash assistance upang magamit bilang dagdag na kapital.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa ipinagkaloob na tulong ng pamahalaang lungsod na anila’y malaking tulong sa kanilang muling pagbangon.

Follow SMNI NEWS in Twitter