NAGSAGAWA ng direktang pakikipag-usap sa Hamas sa Iran noong nakaraang linggo ang Thai officials para tuluyan nang makalaya ang mga Thai na hawak ng militanteng grupo.
Ayon kay Areepen Uttarasin, nagbitiw ang Hamas ng salita na papakawalan ang mga Thai national sa tamang panahon.
Ang mga pumagitna sa usapan ay nakipagkita sa Hamas officials sa Tehran noong Oktubre 26.
Si Areepen na pinangunahan ang three-person team na itinalaga ng speaker ng Thai parliament ay naghayag na dalawang oras ang naging pakikipagpulong nito sa Hamas sa Iran.
Kinilala umano ng Hamas ang hiling ng Thailand na pauwiin ang mga Thai na hawak nito dahil naniniwala ito sa kabutihan ng mga Thai sa Muslim community.
Matapos ang pag-uusap ay sabay-sabay na nanalangin ang Thai team kasama ang mga Muslim at Hamas representatives.
Matatandaan na 30 libong Thai ang nagtatrabaho sa Israel at karamihan dito ay nasa sektor ng agrikultura.
32 Thai nationals na ang nasawi at 19 ang sugatan sa nagpatutuloy na digmaan sa pagitan ng Hamas at Israel.