Thailand, nilalayong maabot ang net zero emission sa 2065

Thailand, nilalayong maabot ang net zero emission sa 2065

NILALAYON ng Thailand na maabot ang net zero emission sa 2065 kasabay ng pagdalo nito sa COP26 Summit sa Glasgow, Scotland.

Inihayag ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha sa world leaders na dumalo sa COP26 Summit na handa ang Thailand na makiisa sa pagresolba sa climate change.

Ayon kay Prayut, pagsisikapan ng bansa na maabot ang carbon neutrality sa 2050 at net zero emission naman sa taong 2065.

Nangako rin si Prayut sa harapan ng lahat ng pinuno na dumalo sa Glasgow, United Kingdom na handa ang Thailand na makiisa sa laban sa global warming.

Dagdag ni Prayut na kinakailangan lamang na magkaroon ng angkop na teknolohiya at kooperasyon para masolusyonan ang problemang pangkapaligiran.

Inihayag rin ng punong ministro na ang pangunahing dahilan na dumalo ito sa 2015 united nations climate change conference sa Paris at naging isa sa pangunahing lider na niratipikahan ang Paris agreemnt ay dahil ang kabuuang greenhouse gas emission ng Thailand ay nagdudulot sa 0.72 percent ng kabuuang emisyon sa mundo.

Samantala, nilinaw rin ni Prayut na walang plan b para sa climate action na kinakailangan ng mundo.

SMNI NEWS