Thailand, tinanggal na ang huling restriksyon na ipinapatupad dahil sa pandemya

Thailand, tinanggal na ang huling restriksyon na ipinapatupad dahil sa pandemya

TINANGGAL na ng Thailand ang huling restriksyon na ipinapatupad ng bansa dahil sa pandemya.

Simula Oktubre 1, hindi na hihingiin ng Thailand ang vaccination proof ng mga manlalakbay o kaya ay negative test para makapasok ng bansa.

Ang desisyong ito ay kasunod ng paglalagay ng Thailand sa COVID-19 sa klasipikasyon ng communicable disease under surveillance mula sa pagiging dangerous communicable disease.

Ang bagong hakbang ay sumasalamin naman sa abilidad ng Thailand na muling buhayin ang ekonomiya sa pamamagitan ng turismo.

Samantala, kasabay nito ay papalawigin din ng Thailand ang pananatili ng ilang manlalakbay na nag-expire na ang visa mula 30 araw hanggang 45 araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter