Thailand, ‘top choice’ ng Japanese businessmen mula sa China

Thailand, ‘top choice’ ng Japanese businessmen mula sa China

NANANATILING ‘top choice’ ang Thailand para sa mga Japanese manufacturer na lumilipat ng kanilang mga operasyon mula sa Tsina.

Ito ay kasunod ng ‘joint meeting’ ng 120 Thai at Japanese executive sa Bangkok.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ng Thai Bankers Association, Federation of  Thai Industries, Thai Chamber of Commerce at Japan Business Federation.

Ang pagpupulong ay naglalayon na palakasin ang bilateral na ugnayan at magkaroon ng forum kung saan magkakaroon ng kolaborasyon ang mga Japanese at Thai businessmen.

Pinuri din ng mga kompanya ng Japan ang gobyerno ng Thailand para sa mabilisang pagpapalawak nito ng ‘free trade agreement negotiation’ sa mga bagong teritoryo kabilang na ang European Union.

Pero sa kabila nito, ang Japan ay nababahala pa rin sa regulasyon na ipinapatupad ng Thailand para sa international companies na gustong magnegosyo rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter