DUMATING na sa Department of Justice (DOJ) ang mga delegado ng European Union para sa nakatakdang courtesy call at pakikipagpulong kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Remulla na inaasahan na sa kanilang magiging pagpupulong ngayon ay magkakaroon ng palitan ng mga ideya at mga katanungan kaugnay sa iba’t ibang mga isyu.
Gayunman ay nauna nang sinabi ni Remulla sa ambush interview kanina na hindi pwedeng manduhan ng kanyang mga makaka meeting na EU Parliamentarians na atasan ang Pilipinas na humarap sa International Criminal Court (ICC).
Iginiit ni Remulla na tapos na ang panahon na sinakop ng isang bansa mula sa Europa ang Pilipinas sa loob ng 500 taon.
Nanindigan pa ang kalihim na maaari namang makipag-usap sa atin ang Europeans kaugnay sa isyu ng ICC pero subalit muling iginiit na hindi pupwede na pupwersahin nila ang Pilipinas dahil hindi na tayo miyembro ng Rome Statute.
