MAAARI nang mapanood ang action/adventure film na ‘The Old Guard 2‘, ang sequel ng pelikulang naunang inilabas noong 2020.
Eksklusibo itong available sa Netflix simula Hulyo 2, 2025.
Tampok pa rin dito si Charlize Theron bilang Andy, ang immortal na naging mortal na.
Kasama rin niya ang mga karakter mula sa unang pelikula gaya nina Kiki Lane (Nile), Marwan Kenzari, Luca Marinelli (Joe at Nicky), Matthias Schoenaerts (Booker) at Chiwetel Ejiofor (Copley).
Sa sequel na ito, mas bibida ang karakter ni Veronica Van (Quynh), Henry Golding (Tuah) at Uma Thurman (Discord).
Samantala, may posibilidad na magkaroon ng ikatlong pelikula dahil sa cliffhanger na ending ng sequel.