‘Tilt’ album nina Irene at Seulgi ng Red Velvet sa May 26 na

‘Tilt’ album nina Irene at Seulgi ng Red Velvet sa May 26 na

HALOS dalawang linggo na lang at ilalabas na nina Irene at Seulgi ng K-pop girl group na Red Velvet ang kanilang ikalawang mini album!

Ang album na may pamagat na ‘Tilt’ ay ire-release sa Mayo 26, 2025.

Sa anunsiyo, mayroon itong anim na kanta at ito na muli ang kanilang music comeback bilang duo sub-unit simula noong taong 2020 kung kailan inilabas ang ‘Monster’ mini album.

Samantala, si Seulgi ay nakadalawang solo albums na rin.

Una rito ang ’28 Reasons’ na inilabas noong 2022 at ‘Accidentally on Purpose’ noong Marso 2025.

Si Irene naman ay may album na ring pinamagatang ‘Like a Flower’ na ini-release noong Nobyembre 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble