“Tindahan ni Nanay Emi” inilunsad sa Pasay City

“Tindahan ni Nanay Emi” inilunsad sa Pasay City

INILUNSAD sa lungsod ng Pasay ang “Tindahan ni Nanay Emi” project kasabay ang pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), nabigyan ng pagkakataon ang mga babaeng miyembro ng mga kooperatiba sa iba’t ibang barangay sa lungsod na magbenta ng kanilang mga produktong pangkabuhayan.

Nasa mahigit 13 stalls na may iba’t ibang produktong lokal ang ibibida sa Pasay City Hall grounds kung saan maaring makabili ang lahat ng mga bisita at mga residente.

Bukas ang “Tindahan ni Nanay Emi” mula 8am – 5pm.

Sa huli, sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na may mga hinanda pang activities ang lungsod ng Pasay para sa mga kababaihan hanggang Marso 31.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter