Tokyo, tinamaan ng unang heavy snowfall sa loob ng 4 na taon

Tokyo, tinamaan ng unang heavy snowfall sa loob ng 4 na taon

TINAMAAN ng heavy snowfall ang Tokyo sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon dahilan ng pagkansela ng mga flight at pagkaantala ng byahe ng tren.

Naglabas ang Japan meteorological agency ng babala ng heavy snowfall sa dalawampu’t tatlong ward ng kabisera sa unang pagkakataon rin simula noong 2018.

Umabot sa 10 centimeters ang taas ng mga snow sa central Tokyo noong gabi, habang 8 centimeters naman sa Yokohama, 7 centimeters sa Chiba, at 2 centimeters sa Saitama.

Samantala, higit sa isandaang Domestic Flights sa Haneda at Narita Airport ang kinansela noong Huwebes, na nakaapekto sa humigit-kumulang siyam na libo at pitong daan na pasahero, ayon sa Japan Airlines Co. at All Nippon Airways Co.

Samantala, habang mahigit limampung katao ang dinala sa ospital matapos madulas at mahulog dahil sa snow sa mga lansangan.

SMNI NEWS