Toll fee, hindi magtataas ngayong pandemya ayon sa DOTr

Toll fee, hindi magtataas ngayong pandemya ayon sa DOTr

SINIGURO ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga motorista na hindi magtataas ng presyo ang toll fee sa gitna ng pandemya.

Sinabi ito ni Tugade matapos ang signing nito ng supplemental toll operations agreement para sa Pasig River Expressway (PaRex) sa pagitan ng DOTr at ng San Miguel Corporation.

Ayon kay Tugade, naiintindihan niya ang panawagan ng toll way operators kabilang na ang Toll Regulatory Board (TRB) ngunit kailangan aniya na maprotektahan ang interes ng publiko lalo na sa gitna ng epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Sinabi rin ni Tugade na maaaring maaprubahan ang pagtataas ng singil sa toll fee ngunit hindi muna iiimplementa ngayon.

P95-B Pasig River Expressway project, aprubado na

Samantala, aprubado na ng pamahalaan ang proyekto ng San Miguel Corporation na P95 bilyong halaga na Pasig River Expressway (PAREX).

Ito ay matapos ang higit isang taon simula nang ipanukala ng kompanya ang elevated toll road project.

Pinirmahan na nila SMC President Ramon Ang, Transportation Secretary Artur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, at Toll Regulatory Board Executive Direcctor Alvin Carullo ang supplemental toll operations agreement (STOA) para sa PAREX.

Ang PAREX ay may habang 19.37 na kilometro, six-lane elevated road, na tatakbo sa kahabaan ng Pasig River banks, mula Radical Road 10 sa Manila hanggang C-6 Road o ang South East Metro Manila Expressway sa Taguig City.

Sinabi ng kompanya na ang proyekto ay magkakaroon ng tatlong major segments na Segment 1 mula R-10 Plaza Azul, Manila; Segment 2 mula Pandacan hanggang C-5, at Segment 3 mula C-5 hanggang C-6.

Ayon pa sa kompanya, sasagutin nito nang buo ang P95-bilyong halaga ng proyekto upang itayo ang PAREX at hindi ito gagamit ng taxpayer o pera ng pamahalaan.

BASAHIN: May kamahalan na toll fee sa Skyway Stage 3, huwag dapat ikabahala ng mga motorista —TRB

SMNI NEWS