INILABAS ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Linggo ang listahan ng 20 voting centers sa bansa na may pinakamalaking bilang ng rehistradong botante. 18 sa mga ito ay nasa Metro Manila.
Ayon sa COMELEC, ang malaking konsentrasyon ng botante sa mga lugar na ito ay nangangahulugan ng mas pinaigting na pagbabantay ngayong halalan upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga boboto.
Nangunguna sa listahan ang Nagpayong Elementary School sa Pasig City na may 47,249 botante. Kasunod ang Rosauro Almario Elementary School sa Maynila (46,179) at Bagong Silang Elementary School sa Caloocan City (39,765).
Narito pa ang iba pang nasa listahan:
Commonwealth Elementary School, Quezon City – 39,120
Dr. Alejandro Albert Elementary School, Manila – 39,038
Tenement Elementary School, Taguig City – 38,911
Santa Cruz Elementary School, Antipolo City – 37,688
Bagong Silangan Elementary School, Quezon City – 36,572
Bagumbong Elementary School, Caloocan City – 35,905
CAA Elementary School-Main, Las Piñas City – 35,597
Malanday Elementary School, Marikina City – 35,259
Epifanio Delos Santos Elementary School, Manila – 33,844
Taguig National High School, Taguig City – 33,742
Rizal Elementary School, Taguig City – 33,376
Nagkaisang Nayong Elementary School, Quezon City – 33,067
Rosa Susano Elementary School (Novaliches), Quezon City – 32,978
Alabang Elementary School, Muntinlupa City – 32,655
Guadalupe Elementary School, Cebu City – 31,963
Fernando Maria Guerrero Elementary School, Manila – 31,895
Timoteo Paez Integrated School, Manila – 31,726
Hinihikayat ng COMELEC ang mga botante sa mga lugar na ito na dumating nang maaga at sumunod sa mga patakaran upang maging maayos at mapayapa ang halalan.