KALABOSO ang top 9 most wanted person ng Laguna Police Provincial Office.
Ito ay matapos ang isinagawang manhunt operation sa Brgy. Calo, Bay, Laguna.
Kinilala ni PNP CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee ang akusado na si Alma Mendoza, alyas Rosalie na may warrant of arrest sa kasong ‘robbery with force upon thing’ na inilabas ng korte sa Los Baños City, Laguna noong Disyembre 13.
Isinailalim na ang akusado sa proper disposition at documentation sa CIDG Laguna Provincial Field Office.
Tiniyak ni Gen. Lee na tuluy-tuloy ang gagawin nilang “Oplan Pagtugis” upang madakip ang mga nagkasala sa batas.