MAITUTURING na isang malaking katagumpayan sa pagkamit ng kapayapaan sa Surigao del Norte at karatig na lalawigan ang pagsuko ng isang notorious na lider na nago-operate sa nabanggit na lugar.
Ang naturang komunistang lider ay sakop ng Sub-Regional Committee Northland (SRC NL) sa ilalim ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Kinilala ng 901st Infantry Brigade ang komunistang terorista na si Juanita Leyson, alyas “Kikay” siya ang tumatayong Sektetarya ng SRC Northland kasama sa pagsuko ni alyas kikay ang tatlong kaalyado nito sumuko ang apat na rebelde sa tropa ng 30th Infantry Battalion.
Base sa impormasyon ng kasundaluhan si Juanita Leyson ay asawa ng napatay na CNT leader na si Rolando Leyson alyas “Edroy,” na malaki din ang ginagampanang posisyon bilang Finance Officer ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
Kasamang isinuko ng mga dating rebelde ang dalawang high-powered firearms, magazines, libu-libong mga bala, bulletproof vests, at sari-saring gamit pandigma.
Ayon sa kasundaluhan na ang naturang katagumpayan ay patunay na tuloy-tuloy ang pagbagsak at pagbaba ng bilang ng komunistang teroristang grupo.
Kasama ni alyas kikay na sumuko ay sina Rajem Pertos alyas “Patrick,” Jezalyn Platil alyas “Mocha,” at Pegi Diaz alyas “Jeff.”
Ayon kay BGen. Arsenio Sadural, commander ng 901st Infantry Brigade na ang pagsuko ng isang SRC Secretary at iba pang kasamahan nito ay malaking bagay sa patuloy na pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa mga probinsya.
Sa pamamagitan aniya nito ay matututukan at maihahatid na ng pamahalaan ang serbisyo ng gobyerno nang walang hadlang.
“The surrender of the SRC Secretary and her comrades signifies a crucial step towards achieving lasting peace and prosperity wherein these provinces can now focus on facilitating uninterrupted delivery of services in the countryside where the armed group had terrorized for the longest time,” ayon kay BGen. Arsenio Sadural Commander, 901st IB, PA
Kasabay nito hinikayat ng heneral ang publiko na magtulungan upang matapos na ang insurhensiya sa mga probinsya.
“As of now, let’s make a collective effort in totally ending the insurgency for these provinces,” saad nito.