Total firecracker ban, suportado ni Sen. Imee Marcos

Total firecracker ban, suportado ni Sen. Imee Marcos

IPINABATID ni Sen. Imee Marcos ang kaniyang suporta hinggil sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang total ban ng mga paputok.

Sinabi ng senadora, nararapat lang na palakasin ang pagpapatupad ng Executive Order No. 28 ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte kung saan ipinag-utos ang mahigpit na regulasyon at kontrol sa paggamit ng firecrackers at iba pang uri ng pyrotechnics.

Ito’y dahil napatutunayan na aniya na maaaring hahantong ang isang selebrasyon sa medical emergency o trahedya dahil lang dito.

Mas mainam ayon kay Sen. Imee na salubungin ang Bagong Taon na kumpleto ang mga daliri, mga paa at nasa maayos na kalusugan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble