IBINAHAGI ng Pilipinas sa isang international tourism trade fair sa Madrid, Spain ang kagandahang taglay ng bansa.
Ilan sa mga ibinida ng Pilipinas bilang major tourism destinations ay ang Palawan, Siargao, Bohol, ang Cordilleras, Bicol at Calabarzon.
Layunin ng paglahok ng Pilipinas sa nasabing fair ay upang dumami pa ang bilang ng Spanish at iba pang European tourists na bumibisita at mamamasyal sa Pilipinas. Madrid
Maliban dito, nagkaroon din ng pagkakataon ang Department of Tourism (DOT) office sa London na makipagpulong sa mga kumpanya at indibidwal upang mai-promote ang Philippine tourism sites sa mga dayuhang nakilahok sa event.
Nagsimula ang nasabing trade fair noong January 18 hanggang 21, 2023 na nilahukan ng iilang dayuhan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.