DUMARAMI na ang inaalok na trabaho para sa skilled Filipino workers sa United Arab Emirates, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa katunayan, ayon sa ahensya, target ng UAE na makaakit ng ‘top talents’ gaya ng mga Pinoy na susuporta sa kanilang mga plano tungo sa kaunlaran.
Noong 2024, ni-renew na rin ng DMW at UAE ang kanilang bilateral agreement ukol sa mga usaping pang-manggagawa.
Samantala, ayon sa DMW, sisikapin nilang gawing mahahalagang kontribyutor sa global workforce ang mga OFW habang tinitiyak ang kanilang proteksyon at tagumpay sa ibang bansa.
Follow SMNI News on Rumble