Tracklist para sa ‘Amortage’ mini album ni Jisoo, ilalabas na sa susunod na linggo

Tracklist para sa ‘Amortage’ mini album ni Jisoo, ilalabas na sa susunod na linggo

SA susunod na linggo na ilalabas ni Jisoo ng Blackpink ang magiging tracklist ng kaniyang upcoming solo mini-album na pinamagatang ‘Amortage’!

Partikular na ibabahagi ito sa Pebrero 4 o 10 araw bago ang scheduled release nito sa Pebrero 14, Valentines Day.

Ang ‘Amortage’ o pinaghalong salita na ‘A Montage of Love’ na muli ang music venture ng artist bilang soloist kasunod ang kaniyang debut noong 2023 sa singles na ‘Flower’ at ‘All Eyes On Me’.

Maliban kay Jisoo ay aasahan din ang solo albums ng kaniyang kapwa Blackpink members na sina Lisa sa Pebrero 28 at Jennie sa Marso 7.

Si Rosé ay nauna nang nag-release ng album noong Disyembre 6, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble