Trial opening ng Expressway sa Cambodia, dinagsa ng halos 9,000 sasakyan

Trial opening ng Expressway sa Cambodia, dinagsa ng halos 9,000 sasakyan

DINAGSA ng halos 9,000 na mga sasakyan ang isinagawang trial opening ng Expressway sa Cambodia.

Inihayag ng Cambodia Ministry of Public Works and Transport, na malaki ang potensyal ng Expressway sa bansa sa pagpapalago ng ekonomiya.

Sa datos ng ahensya mula 7:00 am hanggang 6:00 pm nitong Sabado, nasa kabuuang 8,927 ang mga sasakyang dumaan sa Phnom Penh-Sihanoukville Expressway papasok at palabas sa walong istasyon.

Pansin din ng mga tauhan ng ahensya na mga pribadong mga sasakyan at malalaking cargo trucks na dumadaan.

Samantala, inihayag ng ahensya na bukas ang Phnom Penh-Sihanoukville Expressway sa publiko tuwing Sabado at free of charge ang pagdaan dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram